Home

Kahapon pa ako dapat nakauwi sa Maynila.

Alas siete ‘y media ng gabi ang biyahe ko sa Air Asia galing Kalibo, Aklan. Maaga ako sa airport. Dalawang oras bago ang departure, nandun na ako. At para sigurado, nag online check-in pa ako. Naka-iskedyul ang boarding ng 6:50 ng gabi.

“May delay ba?” nakangiti kong tanong sa ground staff ng Air Asia. “Wala naman pong advice,” sabi niya, nakangiti rin.

Lumampas ang 6:50. Di pa kami pinasakay.

Pagdating ng 7:30, tinanong ko sa boarding gate bakit nandun pa kami. Pinabalik daw yung eroplano sa Maynila dahil may butas yung runway sa Kalibo. Ganun din daw ang nangyari nung isang araw, inayos yung butas pero mukhang natuklap yung tapal. Made-delay daw kami ng 3-4 oras.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Putang ina, delayed nanaman ang flight.”

Pero hindi ako si Duterte.

Pagdating nang 8:50, tinanong ko sa boarding gate kung pakakainin nila kami. Oo, parating na raw ang in-order nilang pagkain nang 9:00.

Matapos ang isang oras, wala pa ring pagkain. Aligaga na ang mga pasahero. Magiging anim na oras na daw yung delay. Pero sabi ng Air Asia, hindi nila sasagutin ang hotel accommodation ng mga na-stranded dahil hindi nila kasalanan na nabutas ang runway.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Eh mga gago pala kayo! Sa Passengers’ Bill of Rights hindi naman sinasabing dapat kasalanan ninyo. Basta obligado kayong mag-provide ng hotel accomodation sa mga stranded. Bahala kayong singilin yang mga inutil na gumawa ng runway!”

Pero hindi ako si Duterte. Kaya nagpasya akong umuwi muna sa bahay ng nanay ko at bumalik na lang para sa 1:30 a.m. flight.

Nagtanong ako sa staff ng Air Asia kung may number ba silang pwedeng tawagan para mag-check kung matutuloy ang flight.

“Wala po. Bawal ho kaming magbigay ng number, Bumalik na lang kayo dito ng ala-una,” ang sabi.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Eh putang ina mo pala, ibig sabihin pababalikin mo pa ako dito ng ala una ng umaga para lang i-check kung tuloy ang biyahe? Eh may telepono naman kayong lahat. May landline din ang airport. Hindi ba kayo nag-iisip?”

Pero hindi ako si Duterte. Kaya nakiusap ako at nag-iwan ng number. Sabi nung isa ite- text daw niya ako kung anong balita

Matapos ang tatlong oras, wala namang nag-text, bumalik ako sa airport ala una ng umaga.

“Tuloy ba ang flight?” tanong ko sa check-in counter.

“Ay sir, hindi pa ho tapos yung repair. Hindi po tuloy yung 1:30 a.m. flight. Mamaya na hong 7 a.m. ang next,” sabi nila.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Putang ina, ‘yan na nga ang sinasabi ko. Eh kung binigyan nyo ako ng number nalaman ko sana at hindi na ako nagsayang ng oras para bumalik dito.”

Pero hindi ako si Duterte.

“Sigurado na ba yung 7:30 a.m. flight?” tanong ko.

“Hindi rin po. Balik na lang ho kayo ng alas singko para i-check.

“Teka,” sabi ko, “wala ba talaga kayong telepono na pwedeng tawagan para hindi naman kami pabalik-balik?”

“Sir bawal ho kaming magbigay ng number,” sabi ulit niya. “Kasi ho, 300 na ho ang pasaherong inaasikaso namin kaya hindi na namin kayang kumarga ng extra task tulad ng pag-abiso sa ibang pasahero,” dagdag pa nung ale.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Gago, kasama ako sa 300 pasahero ninyong stranded.”

Pero hindi ako si Duterte.

“Eh yung mga taga airport, siguro naman may telepono sila. Yung tao ng CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), hindi ba sila pwedeng tawagan ng pasahero para man lang i-tsek yung status ng flights?” tanong ko.

“Sir hindi ho namin alam sa CAAP. Mamaya pa hong alas siyete ang pasok ng mga yun,” ang sagot.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Putang ina ninyo, pag laglag bala ang sisipag ninyong mga taga airport. Pero pag problema ng pasahero wala kayong silbi. Sinong gago ba ang may hawak ng airport dito? Ibabaon ko sa butas ng runway.”

Pero hindi ako si Duterte.

Kaya nag-rebook na lang ako para sa 11:30 a.m. flight. Ayaw ko nang bumalik nang alas singko ng umaga para sa flight na hindi naman sigurado. Yung 11:30 a.m. garantisado daw na makakalipad. At saka gusto ko na talagang matulog.

Matapos kong mag-rebook, nagulat ako nang ibinalik nila yung bag at karton kong bagahe.

“Sir, balik na lang ho kayo ng 9:30 a.m. para mag check-in.”

“Huh? Bakit? Hindi pa ba ako naka-check in?” tanong ko.

“Sir, ni-rebook lang namin kayo. Kailangan n’yo uling mag check-in mamaya.”

“Eh di i-check in mo na ako ngayon. Nandito na ako, eto bagahe ko,” sabi ko.

“Sir, hindi ho pwede. Wala hong magbabantay ng mga bag ninyo dito. Kailangan n’yo po uling mag- check-in mamaya, two hours before the flight.”

Teka nga.

Delayed flight ko ng 16 oras. Hindi n’yo ako pinakain. Hindi n’yo ako dinala sa hotel. Wala man lang kayong pampalubag loob. Na-pwersa pa akong bumalik ng ala-una ng umaga para lang sabihan na wala pa ring flight. Tapos ngayon ipapa-check out n’yo yung bagahe kong naka check-in na para lang i-check-in uli mamaya? At dapat two hours before nandito na ako para sumakay sa eroplanong hindi ko dapat sasakyan kung ginawa lang ninyo ng matino ang mga trabaho ninyo?!

Sa halip na nasa bahay na ako sa Maynila, tulog na mahimbing katabi ng asawa ko, naghahanda para sa pag-attend ng first confession ng anak ko sa school mamayang umaga, nandito pa rin ako sa airport, pagod, puyat, namamaho at nanggagalaiti sa kapalpakan, pagkamanhid at kainutilan ninyong mga airlines at airport authorities!

Pero swerte pa rin ako dahil may bahay kami sa Kalibo. Karamihan sa mga pasahero mga turista galing Boracay na ubos na ang pera at walang magawa kundi magtiis sa airport, natutulog sa malamig na bangko, sa monobloc o sa sementong sahig. Pinaka kawawa yung may mga connecting flight.

Kaya kung ako si Duterte, sasabihin ko talaga sa mga taga Air Asia at CAAP: “MGA PUUUUUTANG INA NINYONG HINAYUPAK KAYO! PAPAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!

Kaya lang, hindi ako si Duterte.#

10 thoughts on “Kung ako si Duterte

  1. hablahan blues katapat niyan sir Da: Teddy Casiño A: wan_tu50133@yahoo.com Inviato: Mercoledì 9 Dicembre 2015 3:30 Oggetto: [New post] Kung ako si Duterte #yiv5868955467 a:hover {color:red;}#yiv5868955467 a {text-decoration:none;color:#0088cc;}#yiv5868955467 a.yiv5868955467primaryactionlink:link, #yiv5868955467 a.yiv5868955467primaryactionlink:visited {background-color:#2585B2;color:#fff;}#yiv5868955467 a.yiv5868955467primaryactionlink:hover, #yiv5868955467 a.yiv5868955467primaryactionlink:active {background-color:#11729E;color:#fff;}#yiv5868955467 WordPress.com | Teddy Casino posted: “Kahapon pa ako dapat nakauwi sa Maynila. Alas siete ‘y media ng gabi ang biyahe ko sa Air Asia galing Kalibo, Aklan. Maaga ako airport. Dalawang oras bago ang departure, nandun na ako. At para sigurado, nag online check-in pa ako. Naka-iskedyul a” | |

  2. Pingback: Teddy Casino’s wishful thinking: Kung ako si Duterte | News Desk

  3. Pingback: Ang Kalaban ng Bayan sa 2016 | Kapirasong Kritika

  4. Hindi ka si Duterte kaya di ka mananalo sa mataas na posisyon. Wala kang pinagkaiba sa kanya, makasalanan ka din. Mapanghusga. Hindi mo naman siya lubos na kilala.

  5. Pingback: Your Flight will be delayed and democracy is down | Now To Beyond

  6. Sir hindi ko gets itong post ninyo.. Pag hindi si Duterte ibig sabihin tolerant na masyado to the point na tatanggapin mo nalang kahit ano iimpose sayo, maski mali? I was hoping sana nag file kayo ng maayos na complaint o lawsuit o kung ano man. Alam kong hassle pero hindi dapat ito ang ibig sabihin kapag hindi ikaw si Duterte. Enlighten me pls.

  7. Dahil hindi sya si Duterte, buhay pa ang taga AIr Asia! at legal action ang sagut nya. E kung lahat tayo si Duterte, malamang wala ng problema ang NSO sa kakabilang ng papulasyon ng bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s