Home

The following explanation by Rep. Tonchi Tinio of his “NO” vote on the P14.6B supplemental budget for calamity funds shows why the struggle against pork barrel allocations should be sustained. The amount was originally allocated for the PDAF of congressmen and senators but due to the SC decision declaring PDAF unconstitutional, some wise guy decided to realign it as calamity funds, with Yolanda as a good cover. But why vote “no” to something that is urgently needed (calamity funds)? Read and know the real issue.

Explanation of vote to HB 3423 (augmentation to calamity fund)
By Rep. Antonio Tinio, Act Teachers Party
December 3, 2013

Mr. Speaker, I voted “NO” to House Bill 3423 because this Representation will not be a party to this travesty of checks and balances that took place this evening. Yet again, this Congress has debased itself by giving blanket authority to the President to spend P14.6 billion on a rehabilitation plan sight unseen. This Congress has not seen even one paragraph of this rehabilitation plan, Mr. Speaker. And yet, by voting to approve this supplemental budget bill, this institution has given all authority to the President, Mr. Speaker.

Ang tungkulin ng Kongreso ay bantayan ang Ehekutibo, lalung-lalo na sa paggugol sa pondo ng taumbayan.

Anong klaseng pagbababantay ito? Mayroon bang miyembro rito na makapagsasabi kung tatanungin kayo ng inyong constituents pagbalik ninyo sa inyong mga distrito, “Ano ba ang laman, ano ba ang hitsura ng rehabilitation plan para sa kalamidad na inaprubahan ninyo?” May masasagot ba kayo? Ang masasagot lang niyo dito: “Bahala na ang Presidente.” Kung tatanungin sa inyo ng inyong constituents, magkano ba sa P14.6 billion ang ilalaan para sa lugar ninyo na natamaan ng kalamidad? Masasagot ba ninyo? Ang sagot niyo lang: “Bahala na ang Presidente!”

Anong klaseng Kongreso ito? Nasaan ang so-called “power of the purse” kung bahala na lang pala ang Presidente? Ang sagot po—sinuko ng Kongresong ito ang kanyang kapangyarihan na magbantay sa Presidente. Kaya malinaw po—presidential pork ang P14.6 billion supplemental budget na ito. Katulad ng nabanggit ng ibang kasamahan ko, kahit na nga yung napaka-limitadong kondisyon sa paglalaan ng P14.6 billion, yung phrase “consider the recommendation of the NDRRMC” na nasa orihinal na bill, pinatanggal pa ngayong gabi at inaprubahan pa ng Kongresong ito.

Kaya purong-purong Presidente na lamang ang magpapasya—hindi na kailangang sundin ang tinatakda ng batas na proseso na pangungunahan ng NDRRMC mula sa baba, mula sa mga LGU pataas, magmumula ang mga rekomendasyon, pinatanggal pa iyan, Mr. Speaker.

Sa aking interpellation, ni-raise ko rin ang isyu ng constitutionality. Sinabi natin na labag sa batas ang proseso na sinunod. Ang tinatakda ng batas sa supplemental budget, Presidente ang dapat maghapag ng detalyadong proposal sa Kongreso at dito ibabatay ang supplemental bill na ating pag-uusapan at ipapasa. Inamin mismo ng Sponsor [Davao City Representative and Appropriations Committee Chair Isidro Ungab], walang proposal na binigay ang Presidente. Ang kongresong ito lamang ang gumawa ng sarili niyang supplemental budget. Labag na po iyan.

Sinabi rin natin, malinaw rin na paglabag: augmentation ng existing calamity fund. Again, another Constitutional provision na nilabag, Mr. Speaker. Dagdag na kahihiyan ng Kongresong ito, we are irresponsible enough to pass a supplemental measure that is so obviously constitutionally infirm, Mr. Speaker.

Panghuli, bakit po natin nire-raise ang mga issues na ito? Dahil nagmumula po ito sa ating kagustuhan na matiyak na ang bawat sentimo ng pondo ng taumbayan ay tunay na makararating sa mga nangangailangan nating kababayan. Ngunit, sa pag-apruba natin ng lump sum, lahat sa Calamity Fund, hindi na natin magagawa ang tungkuling iyan. Ano ba itong Calamity Fund? Kung nagkaroon ng special audit sa PDAF at nakita ang maraming mga anomalya, makatitiyak ako na kung magkaroon ng special audit sa Calamity Fund sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, saksakan ng dami ng mga iregularidad at korapsyon ang makikita din natin dito, Mr. Speaker.

Sa mga kadahilanang ito, Mr. Speaker, bumoto ako ng “NO.” Maraming salamat. #

2 thoughts on “When calamity funds become presidential pork

  1. Pingback: Post-Yolanda: Aquino’s disaster conspiracy with World Bank, ADB | Blog Watch Citizen Media

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s