Home

Keynote address to the 3rd National Mining Conference
March 1, 2012, Tagaytay City

To my colleague in the House Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan, Gov. Firmalo of Romblon province, our bishops, clergy and members of the various religious congregations, friends and colleagues in the various organizations, alliances and institutions; our scientists and professors in the academe, our brother and sister indigenous peoples from the ancestral domains scattered across the country, other gov’t officials, guests and observers, friends in the struggle against large-scale, destructive mining.

Isang magandang umaga at maalab na pagbati sa inyong lahat! Mabuhay ang nagmamahal sa bayan!

I am happy to be here today with kindred spirits who love our country and our people deeply and passionately. Lahat ba tayo ay nagmamahal sa ating bayan? Kita nyo na, pare-pareho pala tayong Bayan Muna!

It is this love that has pushed us to oppose what could possibly be the biggest threat to our country today – unbridled, catastrophic, large-scale mining; nothing less than the gang rape of our environment and the total destruction of our communities and ecosystems.

We see it all around us. From the black sand quarrying in Cagayan and Ilocos, the open pit mines in the Cordillera, Bicol, Negros and Mindanao, the landslides of Compostela Valley and Davao Oriental, the floods in Cagayan de Oro and Iligan, the divisions, conflicts and disrupted lives among our indigenous peoples, and the fiting and militarization in areas where mining abounds.

We have seen our forests uprooted, our mountains flattened, our water systems poisoned, our farmlands ruined, and our thriving communities transformed into ghost towns all in the name of money.

At the heart of all these is a system that values profits over people, the environment and the nation’s future. A system that seeks to make as much money as possible in the cheapest and quickest manner. A system that seeks to extract every ounce of finite minerals we have for the infinite, insatiable global market.

In this global system, it is the transnational and multinational corporations that rule, aided by their imperialist governments in seeking the biggest and richest mines the world over. In connivance with them are the corrupt, subservient puppet regimes that willingly sell out their impoverished nation’s resources for their meager pound of flesh. And the victims are we, the people and the environment who have to contend with the catastrophic impact of the large-scale, destructive extraction and export of our wealth. Ninanakawan na nga tayo, pinapatay at winawasak pa ang ating mga komunidad.

Napakasakit, Kuya Eddie. Daig pa ang isang telenovela sa dami ng pagtataksil, luha at buhay na ibinuhos ng ganitong klaseng pagmimina sa Pilipinas. Pag nakikita ko ang epekto ng mining sa isang lugar, parang gusto ko nang magwala. Sabi nga ni Sen. Miriam Defensor Santiago kahapon, wahhh!

This cannot continue. This must not continue. Tama na. Sobra na.

Ang tanong sa atin ngayon, handa na ba tayong wakasan ang sistemang ito? Handa na ba tayong tapusin ang paghahari ng mga dambuhakang kumpanya ng pagmimina at kanilang mga korap na kasabwat sa gobyerno? Handa ba tayong paigtingin ang pakikibaka para ibalik sa ating mga kamay ang pag-aari at kontrol sa ating likas na yaman at kinabukasan?

Ang magandang balita, hindi tayo nag-iisa.

Sa nakaraang buwan lamang, napakaraming pagkilos ang naisagawa ng iba’t-ibang grupo at sektor para tutulan at labanan ang malakihan at mapanirang pagmimina. Parami nang parami ang mga komunidad na naninindigan para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan at karapatan. Pati nga mga lokal na gobyerno ay umaalma na sa paninira at pambubusabos na ginagawa ng mga mining company at pambansang gobyerno.

Ang mga pagsisikap natin at ng iba’t-ibang grupong anti-mining ito ay naririnig na sa buong bayan at nagtutulak para sa iba pang tao na manindigan at lumaban din. Ang paglawak at pagme-mainstream ng ating anti-mining campaign ay sinasalamin ng No to Mining in Palawan Movement sa pangunguna ni Gina Lopez, na nakakalap na ng mahigit limang milyong pirma. Malaking bagay din ang naisagawang mga island-wide anti-mining conferences sa Mindanao, Visayas at Luzon. Dapat salubungin at payabungin pa ang mga inisyatibang na ito.

Noong isang linggo lamang, at nagagalak akong ibalita, na inaprubahan ng House Committee on Natural Resources ang dalawang House resolution na nananawagan ng moratorium sa mining at pagkansela ng mga mining permit sa buong lalawigan ng Negros Occidental at Capiz. Batay po ito sa mga lokal na ordinansa ng mga Sangguniang Panlalawigan sa Negros Occidental at Capiz para sa pagtigil ng large-scale mining sa kanilang lugar. Ang moratorium sa Negros Occidental ay 25 taon samantalang sa Capiz naman ay 50 taon. Ito ang unang beses na ang komite ay sumuporta sa ganitong klaseng lokal na ordinansa. Siyanga pala, ang mga author ng nasabing mga resolusyon ay kami ni congressman Neri Colmenares ng Bayan Muna.

Itong linggo, ang Davao City council naman ang nagpasa ng resolusyon para ideklarang mining-free zone ang buong lungsod. Nauna na rito ang environmental code ng South Cotabato na nagbabawal sa open pit mining na siyang pumipigil sa pagmimina ng SMI sa Tampakan. Ang pamahalaan ng Zamboanga del Norte ay nagpahayag na rin ng pagtutol sa open pit mining na mukhang susundan ng mga provincial board ng Zamboanga Sibugay.

Pati ang Korte Suprema ay pumasok na sa eksena sa pamamagitan ng Writ of Kalikasan. Mainam na makabisado natin at magamit ang instrumentong ito para sa kapakanan ng ating mga komunidad.

Kaugnay naman ng pagbabasura ng Mining Act of 1995, noong isang linggo din ay inadopt na ng House Committee on Natural Resources ang pinagkaisang borador ng iba’t-ibang alternative mining bills, na sa malaking bahagi ay halaw sa ating People’s Mining Act. Ang titulo nito ngayon ay Philippine Mineral Resources Act of 2012. Kaugnay nito, kailangan namin ng inyong tulong. Unang target natin ay pumasa ito sa Komite sa Hunyo. May 45 kasapi ang Komite. Makumbinse lang natin ang 23 rito ay lusot na tayo at madadala sa plenaryo ang panukala sa pagbubukas ng ikatlong sesyon ng Kongreso. Kayat sa SONA sa Hulyo pwedeng ang panawagan na natin sa plenaryo ay ipasa ang People’s Mining Bill, at magpapa-design na ako ng barong tagalog na ganito ang tema.

Siyempre, sakaling hindi maipasa ang People’s Mining Bill sa Kongresong ito, nandyan naman ang Kalikasan Partylist para pangunahan ang laban sa susunod na Kongreso.

Kahapon, nagbigay ako ng privilege speech na nananawagan ng moratorum sa lahat ng mapanira at malakihang pagmimina at pagbasura ng Mining Act of 1995. Alam n’yo ho, medyo boring sa Kongreso nitong mga nakaraang linggo dahil sa impeachment trial. Ni wala nga kaming quorum. Pero kahapon, limang kongresista ang tumayo, nag-interpellate sa atin at nagpahayag ng pagsuporta sa ating mga panawagan. Pambihira itong mangyari.

Samakatuwid, nasasaksihan at nararamdaman natin ang bugso ng kilusang laban sa mapanira at malakihang pagmimina. Huwag tayong bibitiw sa bugsong ito. Ang hamon ngayon ay kung paano higit pa nating pataasin ang kamulatan ng ating mamamayan, organisahin sila at pakilusin upang ipagtanggol ang kanilang kabuhayan at karapatan.

Kaya ho tamang-tama itong ating conference. I wish you all the best. Nagtitiwala po akong magiging malaman at makasaysayan ang kapulungang ito. Sana po ay maipadama natin sa ating isip, salita at gawa ang lubos na pagmamahal sa ating bayan.

Muli po, isang magandang umaga. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!#

2 thoughts on “We have reached critical mass! Let us take the anti-mining campaign to a new and higher level!

Leave a comment