Home

Ang sumusunod na salaysay ay spot report ng organisador ng Bayan Muna sa Brgy. 182, Pangarap Village, Caloocan City kaugnay ng pagpatay ng mga security guards ng pamilyang Araneta sa dalawang residenteng tumututol sa pagkamkam ng kanilang lupa ng nasabing pamilya.

Nakakalungkot, nakakagalit na sa panahong ito, ang mga mahihirap, dahil sila’y mahihirap, ay ganun na lang kung tratuhin ng mga armadong protektor ng mayayaman. Saan naman sila pupulutin nito? Saan sila tatakbo? And the story of oppression and injustice goes on. Paano nga naman tayo magkakaroon ng kapayapaan kung ganito?

SPOT REPORT
(July 23, 2011)
-MULA SA BRGY.182-

Bandang alas 6:00 ng umaga ay sumugod at pinaggigiba ng mga guard ng Carmel Development Inc. (CDI) ang vigil site ng mga residente at TODA ng Pangarap Villageng na nasa bungad ng G. Araneta Ave. corner Narra St., Brgy. 182, Pangarap Village, District 1, Caloocan City. Ang sumugod na mga guard ay pawang mga lasing. Nanguna sa pagsugod ng mga guard ay ang kanilang hepe o Head Security na si Mike Tome, at kasama si Macario Ramirez. Pagkatapos paggigibain ang mga istrujtura ng vigil site ay binakuran naman ito kaagad ng mga guards, upang di na makabalik ang mga nag-vigil. Nagpaputok din ng ng shot gun ang mga Guardya ng CDI, sa pangunguna ulit ni Michael Tome.

Dahil sa galit ng residente at TODA sa paggiba sa kanilang mapayapang vigil at sa pandarahas sa kanila ng mga guards ay pinagbabato nila ang mga guards. Dahil dito, walang habas na namaril/pinagbabaril ng mga guards ang mga tao na nasa vigil site, nasa pangunguna ulit ni Mike Tome. Tinamaan sina MEL FORTADES, DODONG SACAL, SOLIMAN “SOL” GOMEZ, HENRY ABAIGAR at RICKY CASILONG na mga residente ng Pangarap at nasa vigil site. Dead on the spot kaagad sina Mel Fortadez at Soliman Gomez, na may mga tama ng bala mula sa mataas na kalibre ng baril. Samantala ang iba naman ay sugatan at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON

– Sinikap ng mga residente na tulungan si Sol Gomez, ngunit hindi sila makalapit dahil armado ang mga nakapaligid na guards at patuloy na nagpapaputok. May isang nagtangka na tumulong ngunit sya ay nabaril sa hita.

– May dalawang pulis na nakadistino sa community precint na malapit sa bungad ng G. Araneta Ave. nang mga oras na mangyari ang pamamaril ng mga guards, ngunit hindi naman sila rumesponde.

Note:
1. Ilang araw/gabi nang naka-vigil ang mga residente at TODA members dahil sa pagtutol/paglaban nila sa CDI sa pagpapaalis sa kanilang terminal at pagpapatanggal ng kanilang franchise.

2. Ikalawang beses na itong insidente ng pamamaril ng mga guards ng CDI sa taong ito. Ang unang insidente ng pamamaril ay nuong Abril, na kung saan ay may 3 residente ng Pangarap Village ang naging biktima.#

22 thoughts on “Naglahong pangarap sa Pangarap Village

  1. kawawa tlaga.. si henry abaigar driver ng tita ko sa school service, kya medyo mlapit sya smin… wla tlaga awa yung mga gwardya ng CDI =(

    • Dapat po hindi na tawaging security guard ang mga yun, kundi PRIVATE ARMY — with guns like that, that’s not security guard anymore. Di po ba may gun ban sa Pilipinas pero hayun silang malayang nagkakalat ng karahasan at takot. May Temporary Restraining Order po sa Carmel Dev Inc. Pakirefer po sa kopya na narito sa blog http://www.justiceforpangarap.blogspot.com/ Marami pong salamat at sana marami pa ang tumulong sa amin. Our Human rights are violated — housing is a right, more so by people who toiled and paid for it.

  2. nakakalungkot, sol gomez is my classmate in elem. pangarap bfore, mabait at matulungin pati si nanay nya, now I’m so worried for my family in pangarap, in good faith nman nabili ng mga parent ko ang lupa nmin sa pangarap at dugo’t pawis ang naging puhunan namin. Pls. continue to help the people in Pangarap, thank you and more power!!!

  3. Ang mga Mayayaman ay patuloy n yumayaman….
    Ang mga mahihirap ay lalong humihirap….
    Ang mga Pangarap Village ay lupang ipinagkaloob ni Marcos para sa mga pamilya ng mga sundalong tumulong at ngbuwis ng kanilang buhay para sa ating bansa….
    Anu ang naitulong ni G. Araneta sa ating bansa para ipagkaloob ang lupaing ito?
    Hindi po squatters ang mga nakatira sa Pangarap Village, isang pakiusap sa mga mamahayag… pagaralan mabuti ang mga inuulat..
    Kanino hihingi ng tulong ang mga tao kung ang mga kinauukulan ay kamag-anakan ng taong umaapi sakanila…
    Hustisya para sa pamilya ng mga napaslang….
    Karapatan na magkaroon nga ligtas at mapayapang tahanan.

    • 100% agree.nweis,nobody lives forever in this world no matter how rich u r.
      baka ang lupang inaangkin nya , un pa magiging libingan nya…AMEN!!!!!

  4. Congressman Casino, will someone from your colleague deliver a privilege speech in the Congress regarding this? I think Congress should know this abominable injustices happening in our community. We need your help. Thanks.

  5. @ karapatan, I agree, at nais ko ring ipanawagan nga sa mga MEDIA, pag aralang mabuti ang mga ibinabalita ninyo sa madla. sa inyo dumedepende ang lahat dahil pinagkakatiwalaan kau, ngunit pano pa kami maniniwala ngaung sa nakikita namin, wala kayong pinagkaiba sa mga nakiki tsismis lng sa tabi-tabi. na kung ano lng ang narinig, dagdagan ng konting palabok BALITA na. ANG TOTOONG MAMAMAHAYAG, SINASALIKSIK ANG LAHAT NG KASULUKSULUKAN, BAGO ISIWALAT ANG BALITANG NALAMAN, YAN ANG INYONG TUNGKULING SINUMPAAN… KAYO BA AY NABAYARAN????

  6. ANO ANG AASAHAN NATIN SA MEDIA NA PAGAARI NG MGA ARANETA? SYEMPRE WALA. ANG ABS-CBN PAGAARI NG PAMILYA ARANETA KAYA ANG BALITA NILA PABOR SA KANILA. ANG MGA REPORTER NG TV5 PARANG MGA TSISMOSO LANG SA KANTO. PWEDE BA GAWIN NYONG ACCURATE MGA IBINABALITA NYO?? HINDI SQUATTER MGA NANINIRAHAN SA PANGARAP VILLAGE.

  7. congressman casino, wala po ba kayong maitutulong sa mga lehitimong residente ng pangarap village? kayo na lang ang natitirang pag-asa ng mga residente kasi tila bingi si mayor echeverri at si pnoy sa mga daing ng tiga-pangarap…

    di malayo na magkaroon ng vigilantes sa area lalo na walang maasahan na tulong galing sa gobyerno.

  8. dito nko isinilang sa pangarap…sana nman ipaubaya n nila ang kaunting lllupu na ito sa mga naninirahan dito wag na sanang madagdagan ang mga nagbubuwis ng buhay mapansin sna nng gobyeno ang matagal ng problema ng mga tao dito….mga pulitiko na nakikinabang sa atin twing eleksyon n lmng ba ntin makikita?gumising po sana kayo sa mahimbing nyong pagkakatulog

  9. may mga tao talaga na simbolo ng katakawan… kahit hindi kanila kinukuha. kayong nagpapagamit sa sa mga araneta, di nyo alam na pagkatapos ng mga ito kayo man ay di rin papatawarin ng mga yan….

  10. salahat ng mga nag alay ng buhay,at naging biktima(Mga tunay na bayani) ng pamamaslang ng mga gwardiya ng araneta nayan,magkano ba ang ibinayad sainyo para maging ang sarili niyong buhay ay gamitin niyo para paslangin ang mga kawawa at kaawaawang resedente ng pangarap village,.lagi ninyong tatandaan kapag buhay ang inutang maaring buhay din ang kabayaran.(karma)…ipinapa-ubaya nalang namin sa puong may kapal ang lahat…

  11. I grew up in Pangarap Village, I spent my childhood years in a developing community only to be haltered by the Araneta’s. They already own a big portion of land only adjacent to Pangarap. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ang mga bahay na nakatirik doon? It’s very obvious na ganid sila. In my own opinion, it’s all about our government. They should step up on this and have a resolution. We pay our taxes on time so I think it’s also time for them to make a decision on this. Relocation is not the answer. They have to consider that most of the people living in Pangarap are retirees. They have spent almost half of their lives living in a place where they called home. It’s very hard for these people to be relocated and to establish themselves in another place..Please be considerate!

  12. s ngayon meron n nmn pinanamigay si araneta n mga papel n galing raw s korte ang pagkakaalam ko my TRO hanggang katapusan p ng april ngaun taon .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s